20688110_1548526825200045_8731559961764560896_n

Alam mo kung ano ‘yung nakakatakot? Sa bawat pagpili mo, hindi mo alam kung tama ba iyon o mali. Baka kasi kung iba ‘yung pinili mo, mas maganda ang kinalabasan. Pero isa lang naman ang mahalaga e, naging masaya ka ba habang pinipili mo iyon?

Advertisements

Tapos na

17881506_470767516587806_1132008157791387648_n

Una. Magsisimula na ang lahat tumakbo dahil may paparating na malakas na ulan. Pangalawa. Wala nang matitira sa lugar kung saan kami nakatayo kundi ako dahil takot ang lahat sa nagbabadyang panganib, iiwan kahit ano, kahit sino, mailigtas lang ang sarili sa unos. Pangatlo. Tapos na. Iiyak ang lahat dahil wala na ako, walang nakaalalang hatakin ako noong tumakbo sila.

IKAW

Processed with VSCO with e8 presetIkaw iyong asukal ko sa kape, na kapag nagkulang, hindi na masarap inumin.

Ikaw iyong sinangag sa tapsilog ko, na kapag ginawang bagong saing na kanin, hindi ko na magugustuhan.

Ikaw iyong sapatos ko, na kapag nawala, hindi ako makakarating kung saan ako dapat magtungo.

Ikaw iyong salamin, na kapag nabasag, hindi na ako makakangiti.

Ikaw iyong kumot ko, na kapag nawala, hindi na ako makakatutulog.

Ikaw iyong piso sa bawat isang daan ko, na kapag nagkulang hindi na ulit mabubuo pa.

Ikaw iyong pambura sa lapis ko, na kapag naubos, lagi na ako magkakamali.

Ikaw ang bumubuo sa akin na kapag nawala, lagi na akong kulang.

Kung sakaling aalis ka na…

img_2183-01

Kung sakaling aalis ka na, pwede bang isama mo na sa iyong paglisan lahat ng mga ala ala mong ibinigay sa akin? huwag kang mag-iiwan ng kahit anong pagpapanggap.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan ang malalamig mong kamay na minsan pa’y nagpainit sa akin. Wag mong iiwan, dahil mahal tanggap ko na sa tuwing hinahawakan kita ay napapaso ka na. Sa tuwing niyayakap kita ay nalalapnos ka dahil mahal tanggap ko na hindi ako ang hinahanap mong init. Nagkamali ka.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan ang mga patay na rosas, na nalunod sa tubig, natuyo sa init. Ikaw sana ang rosas ko. Dalhin mo lahat ng mga tuyong rosas dahil sawa na ako magdilig sa bulaklak na kahit kailan man ay alam kong hindi na muling uusumbong pa.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan ang mga matatamis mong salita na dati rati’y hinihintay kong marinig mula sa’yo. Huwag kang mag-iiwan ng bakas ng kasinungalingan na mahal mo ako at babalik ka pa dahil mahal ko alam kong gusto mo ng dagat pero patawad isa lamang akong ilog na pilit mang itangay ka sa agos ko ay hindi ka pa rin sasama.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan lahat ng pagpapanggap at pagkukunwari mo. Kung sakaling aalis ka na, huwag ka magiiwan ng kahit anong marka sa buhay ko. Kung sakaling aalis ka na, maaari bang huwag ka nang bumalik pa kahit kailan?