Exif_JPEG_420

 

The glimpse of you felt like home. For the first time, I wanted to go home.

Exif_JPEG_420

 

The moment I saw you, I’ve made up my mind, I wanted something real. I wanted someone real.

Advertisements

IKAW

Processed with VSCO with e8 presetIkaw iyong asukal ko sa kape, na kapag nagkulang, hindi na masarap inumin.

Ikaw iyong sinangag sa tapsilog ko, na kapag ginawang bagong saing na kanin, hindi ko na magugustuhan.

Ikaw iyong sapatos ko, na kapag nawala, hindi ako makakarating kung saan ako dapat magtungo.

Ikaw iyong salamin, na kapag nabasag, hindi na ako makakangiti.

Ikaw iyong kumot ko, na kapag nawala, hindi na ako makakatutulog.

Ikaw iyong piso sa bawat isang daan ko, na kapag nagkulang hindi na ulit mabubuo pa.

Ikaw iyong pambura sa lapis ko, na kapag naubos, lagi na ako magkakamali.

Ikaw ang bumubuo sa akin na kapag nawala, lagi na akong kulang.

Kung sakaling aalis ka na…

img_2183-01

Kung sakaling aalis ka na, pwede bang isama mo na sa iyong paglisan lahat ng mga ala ala mong ibinigay sa akin? huwag kang mag-iiwan ng kahit anong pagpapanggap.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan ang malalamig mong kamay na minsan pa’y nagpainit sa akin. Wag mong iiwan, dahil mahal tanggap ko na sa tuwing hinahawakan kita ay napapaso ka na. Sa tuwing niyayakap kita ay nalalapnos ka dahil mahal tanggap ko na hindi ako ang hinahanap mong init. Nagkamali ka.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan ang mga patay na rosas, na nalunod sa tubig, natuyo sa init. Ikaw sana ang rosas ko. Dalhin mo lahat ng mga tuyong rosas dahil sawa na ako magdilig sa bulaklak na kahit kailan man ay alam kong hindi na muling uusumbong pa.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan ang mga matatamis mong salita na dati rati’y hinihintay kong marinig mula sa’yo. Huwag kang mag-iiwan ng bakas ng kasinungalingan na mahal mo ako at babalik ka pa dahil mahal ko alam kong gusto mo ng dagat pero patawad isa lamang akong ilog na pilit mang itangay ka sa agos ko ay hindi ka pa rin sasama.

Kung sakaling aalis ka na, isama mo sa iyong paglisan lahat ng pagpapanggap at pagkukunwari mo. Kung sakaling aalis ka na, huwag ka magiiwan ng kahit anong marka sa buhay ko. Kung sakaling aalis ka na, maaari bang huwag ka nang bumalik pa kahit kailan?

Sa huling pagkakataon…

Sa unang pagkakataon, iguguhit kita sa paraang kaya kitang maalala sa bawat minuto. Iguguhit kita sa paraang kaya kong maalala ang bawat detalye ng iyong mukha. Iguguhit ko kung paano tumataas ang iyong mga kilay sa tuwing may hindi ka nagugustuhan, kung paano ang iyong mga mata ay nawawala sa tuwing ikaw ay tumatawa, kung paano ang iyong mga labi ay gumagalaw sa tuwing ika’y nagsasalita na kahit na paulit ulit lang naman ang iyong mga sinasabi ay pinagtitiisan kong pakinggan, kung paano ang iyong noo ay kumukunot sa tuwing inaasar kita. Iguguhit kita mahal ko gamit ang mga alaalang iniwan mo sa akin.

Sa pangalawang pagkakataon iguguhit kita sa paraang maalala kita sa umaga. Iguguhit ko kung paano ang iyong mga pisngi ay namamaga pa mula sa mahabang pagtulog, kung paano ang iyong buhok ay gulo gulo pa, kung paano ang iyong mga mata ay may muta pa na kahit na ganoon ay ang sarap pa rin titigan, kung paano mo hawakan ang iyong tiyan dahil ika’y gutom na, na kahit na tumaba ka pa, mas mahahalin pa sana kita, kaso mahal nagkulang nga pala ako. Akala ko nabusog na kita ng pagmamahal ko.
Sa pangatlong pagkakataon, iguguhit kita sa paraang kaya kitang maalala sa hapon. Iguhuhit ko kung paano ka inaantok tuwing alas dos ng hapon, kung paano ang iyong mga mata ay namumungay dahil ika’y antukin, kung paano ang araw ay tumatama sa mga mata mo, kung paano mo hawakan ang mga kamay ko nang mahigpit at sabihin sa aking mahal mo ako na para bang ipinapahiwatig nitong hindi mo ako bibitawan. Pero  mahal ko, ako na lang ang nakakapit.
Sa pangapat na pagkakataon iguguhit kita sa paraang kaya kitang maalala sa dapit hapon. Iguguhit ko kung paano mo titigan nang may ngiti sa labi mo ang paglubog ng araw habang  pinagmamasdan kita, kung paano mo ako yakapin at sabihing kasing ganda ko ang langit, kung paano ka kasaya at hinihiniling ko na sana wag na matapos itong araw na ito, kaso tapos na, iniwan na ng araw ang ang langit.
Sa panglimang pagkakataon, iguguhit kita sa paraang kaya kitang maalala sa gabi. Iguguhit ko kung paano ka naiinis, umiiyak,  tumatawa sa mga teleseryeng paulit ulit lang naman ng kwento, kung paano mo nilalabanan ang antok mo matapos mo lang ang pinapanuod mo, kung paano ka nakakatulog sa kakanuod ng kung ano ano, kung paano mong iniiwang bukas ang telebisyon. Hindi mo sinara, natapos nang walang nagsara.
Sa huling pagkakataon, iguguhit kita sa paraang hindi na kita maalala. Iguguhit ko ang mukha mo sa paraang makakalimutan kita. Iibahin ko bawat detalye sa mukha mo, hindi ko na isasama ang nunal mo sa kanang pisngi, hindi ko iguguhit ang makapal mong kilay, kung paano ka tumawa, kung paano mo ako ngitian, kung paano mo ako titigan, kung paano mo ako tawaging ‘mahal ko’ hindi ko iguguhit ang mukha mo na may bahid na kasiyahan. Oo hindi. Kahit sana sa papel makita kong malungkot ka sa pagkawala ko.  Sa huling pagkakataon, iguguhit kita saparaang hindi na kita mamahalin.